9Sunday, March 11, 2007


LAPTOP BLUES

Sa sobrang walang magawa namin ng mga floor mates ko, umupo na lang kami sa harap ng laptop camera at nagpaka-cam whore na naman.. Isa yan sa mga trademarks namin.. Kapag may camera, unahan kaagad sa harapan sabay smayl! hehe... hainaku! Here are some of the pix:



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



o ayan, cge... next time ulit...



I made my mark @ 8:13:00 PM

9Saturday, February 24, 2007


Anything and Everything VOLLEYBALL!

I L-O-V-E Volleyball!! hehe.. Ever since na-introduce itong laro na ito sa akin noong elementary days ko, I wished na sana magiging magaling ako sa larong ito balang araw! (with all the good receptions, sets at service..) Naglaro na ako nito noong elementary as part of the varsity team ng school namin competing with other schools... Pagka-high school, nawala ang concept ng varsity kasi hindi nagpaparticipate ang Pisay sa mga athletic competitions... Pero at least consistent akong kasama sa 1st six ng volleyball team ng batch namin tuwing Intrams! hehe... Naisip ko dati na pagtungtong ko ng college, mawawala na ang "career" ko sa paglalaro ng volleyball.. Pero iba ang nangyari.. Mas marami akong nakilalang mahilig at magaling din sa volleyball dito sa UP AT sa Kalai.. Marami akong nakilalang bagong kaibigan dahil sa paglalro lang ng volleyball.. When you know people who share the same interests with you, siguradong madali lang magkaroon ng bagong kaibigan.. hehe.. Sobra talaga ang pagmamahal namin sa V-ball kasi tuwing hapon at kung walang exam, naglalaro kami nito hanggang gumagabi na (mga hanggang 7pm).. Natututo na akong pumatay ng bola (jump spike) dahil sa pakikipaglaro ko sa kanila.. Oh di ba? Volleyball at heart talaga!

>>>

Pagpasok ng second sem, isa ang volletball sa mga pinagkakaabalahan ko!.. hehe... Una, sa pagsimula ng second sem, eh nagkaroon kaagad ng Kalai Sportsfest '06 na inabot ng 2 buwan para matapos.. Sa Sportsfest, magkakagrupo ang isang corridor sa boys' wing at isang corridor sa girls' wing upang maging isang team na kakalabanin ang ibang teams.. Siyempre ang naging partner corridor namin eh ang magaganda, malalakas at maiingay na B.A.! hehe... Wala Atang Dadaig Sa Unang Palapag at B.A. ang naging team name namin! (pero in short, WADS UP B.A. na lang).. Anyways, kasama ako sa men's volleyball team ng WADS UP B.A.. Sabihin na nating ang team namin ay isa sa dalawang pinaka-kinatatakutang teams sa volleyball (humble na yan ha)... Nagkaroon ng round-robin sa volleyball kaya sige lang ang paglalaro ko... Ang saya talagang maglaro ng volleyball, lalo na kung alam mong mananalo kayo! hehe.. Siyempre ang teams na umabot sa Finals eh yung dalawang magagaling (at isa kami doon).. hehe.. Inabot kami na 5 sets before nalaman kung sinong panalo... Nakuha namin ang 1st and 2nd set at nakahabol ang kabila sa 3rd at 4th set.. Sa 5th set, nag-deuce pa talaga kami! Intense talaga ang game! Pero ang nanalo ay yung other team (16-14 ang huling score)... Naging malungkot kami pero naging OK ang lahat nung narinig namin ang comments ng audience.. Sobrang galing daw ng dalawang teams at naging sobrang ganda daw ang laban.. May nag comment din na better daw siyang panoorin kay sa Finals ng basketball.. Kung ikaw ang makarinig ng ganyang comment, para ka naring nanalo!.. hehe..

>>>

Pagdating ng February, nagkaroon naman ng inter-dormitory games para sa men's and women's basketball at men's and women's volleyball.. Siyempre ang kailangan eh yung mga magagaling talaga kasi siyempre ang i-rerepresent mo ay ang buong dorm mo na, in my case ang buong Kalai... Kaya't nag-join forces ang mga magagaling sa bawat team noong sportsfest para bumuo ng panibagong team na magdadala ng pangalan ng Kalai.. May 10 dorms sa UPD.. Ito ay ang Kalai (freshmen dorm), Yakal at Molave (coed undergrad dorms), Narra (all-male dorm), Sampaguita, Kamia, at Ilang-Ilang (all-female dorms), Ipil-Ipil at Sanggumay (graduate dorms), at ang panghuli, ang International Center (dorm ng mga foreign exchange studs)... Gabi-gabi eh may mga 3-4 laro na gaganapin sa iba't ibang dorms.. Ang lahat ng Vball games ay gaganapin sa magandang court na nasa Yakal.. Alam namin na ang kilabot pagdating sa Men's volleyball ay ang Yakal.. Ang hirap nilang talunin.. Lahat sila marunong at malakas pumalo!.. Kaya't no doubt na sila nga ang nagchampion.. Masaya ako at kasama ako sa Vball team ng Kalai.. Masaya ako at nagkaroon kami ng jersey na sobrang iksi ang shorts (pekpek shorts daw tawag doon sabi ng mga taga-Yakal.. haha!).. Masaya ako at nabigyan ako ng pagkakataon na makipaglaro kasama ang mga magagaling sa ibang dorms.. Kahit na 4th lng kami, at least nakakuha kami ng dagdag na experience at natuto kami sa mga players ng ibang dorms!..

>>>

Noong Feb. 21, Wednesday, sa Blue Eagle Gym sa Ateneo, ginanap ang Finals ng UAAP Volleyball.. Kalaban ng UP Fighting Maroons ang FEU Tamaraws sa Finals ng Men's Division.. Kasama ko sa panonood sila Kay, Ruth, Pearl, Dareen, Mara, Danica, Gege, Mark, Nes, May, China, Molo at Jom.. OMG! Ang gagaling nila SOBRA! Parang lumilipad na sila sa ere tuwing papalo sila!.. Nakakapatay pa rin sila kahit na mababa yung set!.. Nase-set pa rin kahit na pangit yung pagbigay ng bola!.. Grabe talaga siguro ang naging training nila noh? Sana maging ganoon din ako kagaling para mas lalo pa akong sasaya!.. hehe.. Kaso, natalo ang UP at nag-2nd lang kami... In fairness naman din, magaling talaga ang FEU.. Pero ok lang yun kasi taga-UP pa rin naman kami eh!.. hehe.. Nagpa-pic pala kam after ng game kasama yung idol namin na sina Chuacuco at Lingo! Grabe, idooooool!! Ang galing nila grabe, as in! hehe...


Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Pisay and Kalai Vball enthusiasts with Hans Chuacuco and Jerome Lingo..
Parehong players for the UP Fighting Maroons Volleyball team..
(sila yung dalawang matangkad at nakaputi sa gitna..)

Dahil sa lahat ng volleyball stuff na ito, naisipan kong sumali sa UP Volleyball Club (UPVC).. Oh di ba? Volleyball at heart na talaga! Doon matututo talaga ako ng husto! May mga nag-imbita kasi sa aming mga members ng UPVC noong nag-interdorm games kami.. hehe.. Ang saya talaga! Kasabay ko si Angela at mga Kalai friends next sem sa pag-apply! hehe... So excited! hehe... Sige guys, next time ulit!.. Ciao!!



I made my mark @ 1:26:00 PM

9Friday, February 23, 2007


A KALAIdoscope World

>>> Part 2

Haha.. Ngayon lang ako nakapag-blog ulit.. medyo busy kasi from all the acad stuff na ginagawa ko.. Naghahabol na kasi ako kasi masyado na akong huli sa mga lessons at ang baba na ng mga nakukuha ko.. huhu..

Anyways, Open HAUS? Ang buong araw na yun eh masyadong masaya.. Maraming pwedeng gawin sa buong Kalai noong araw na yun.. Nag-corridor hopping ako with my floor mates sa lahat ng corridors... Syempre, naging paboritong tambayan ang B.A. (partner corridor kasi namin sila eh..) Di ba nga ang concept ng corridor designs ngayong taon eh movies? Kaya pa-bongahan ang lahat sa pag design!.. Grabe, sobrang makulay at unique ang pagkagawa nila.. At naku naman, bawat kwartong mapuntahan mo eh may pagkaing ini-ooffer sa iyo.. Lakad ka lang ng lakad sa Kalai eh siguradong mabubusog ka! hehe... Nagkaroon din ng Bingo sa Kalai pagkahapon.. Una'y bubuohin ang letters K-A-L-A-Y... Pero ito ha, biruin mong ang jackpot sa blockout eh P9000!! Ang laki na kaya nun! Pwede nang pang-tuition yun!.. hehe Kinagabihan eh nagkaroon kami ng Kalai-TUNES.. Magtatagisan ang bawat corridor sa pagbuo ng kanta na tungkol sa buhay Kalai!.. Ang mapipiling kanta ang magiging parang theme song ng batch namin.. May mga naging paborito ang lahat ng tao pero ang croud favorite at ang nanalo sa contest ay ang kantang "Buhay Dorm" na kinompose ng 2nd floor girls... Ang saya ng lyrics at maganda ang message ng bridge.. hehe... Hindi ko talaga malilimutan yung araw na yun sobra! hehe...



Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

Ang saya di ba? hehe... I want to post more pix kaso ayoko namang maging puro pix na lang ang blog na ito.. hehe.. Sige guys, next time ulit! hehe... ciao!



I made my mark @ 4:26:00 PM

9Sunday, February 18, 2007


A Kalaidoscope World

Open House ng Kalai kahapon... Blockbuster ang Kalai sa sobrang dami ng taong dumagsa! As in! hehe...

>>> Part 1
Ang overall theme ng mga designs ng corridors ngayong taon ay movies... Ang napili ng mga corridors ay ang mga sumusunod: 1st Floor Girls - Finding Nemo, 2nd Floor Girls - Charlie and the Chocolate Factory, 3rd Floor Girls - Super Mario (movie ba yun?), C-Fold Girls - Pirates of the Carribean, BA girls - Harry Potter, 3rd Floor boys - Jumanji, 2nd Floor boys - The Matrix, Basement Boys - The Mummy, at siyempre, ang First Floor boys - Titanic... M atagal na debatehan ang naganap bago namin napagdesisyunan na Titanic yung theme namin... Isang linggo pa lang bago mag-Open House ay sinimulan na ng mga ibang corridors ang kanilang pag-dedesign... So pagdating ng Open House, prepared na prepared sila! Eh paano naman kami? Ayun, doon pa gumalaw ng kinabukasa'y Open House na... Panic! Wala pang nasimulan at 10pm na! Kaya nagsilabasan ang kung anu-anong materials na kung saan lang din napulot!.. Materials: mga kariton, crepe paper, gold foils, garbage bags, mga gunting, cutters, at mga tape... Ano kayang gagawin namin doon para magmukhang Titanic ang aming corridor?? Hainaku, kung ano-ano na lang ginawa namin...


Photobucket - Video and Image Hosting
while TRYING to make the Titanic...

Photobucket - Video and Image Hosting
Ace, Jom at ako taping stuff...

Photobucket - Video and Image Hosting
Eric, Mark, Allan and Karl cutting gold foils...

Photobucket - Video and Image Hosting
Mardee and Mark cutting trash bags..

Photobucket - Video and Image Hosting
FFB's on the go!

Photobucket - Video and Image Hosting
Shaq, Chad, Patots, Rovie and Jumar na naka-pose...

Fortunately, natapos rin namin ang corridor design... Kaya lang parang ang lumabas eh yung LUMUBOG na Titanic yung ginawa namin!.. hehe... At least masaya yung process ng paggawa namin ng corridor!.. hehe.. Cge guys, di pa ako tapos magkwento about sa Open House... Dudugtungan ko ito next time kong makapagnet! hehe.. cge!!! Ciao...



I made my mark @ 2:42:00 PM

9Friday, February 16, 2007


WACKY DAY ! !

There are some wierd people walking around UPD today, and they are not the Fine Arts students... hehe... Kami yun, mga residente ng Kalayaan Residence Hall, na naglalakad sa buong UPD suot ang aming mga weirdo costumes... Bakit? Yun ang paraan na naisip ng Kalai upang ipaalam sa mga tao na Open House ng Kalai kinabukasan.. Naghahanap kasi kami ng paraan para mahuli ang atensyon ng mga tao.. Oh di ba? Sino kaya ang hindi mapapalingon kung nakasalubong mo si Dark Vader (Allan J.) sa daan? O di kaya'y si Mr. Bean (si Dodong yun!)? Hehe.. Ang saya saya talaga ng araw na ito..

7am ay nagising na ako dahil sa ingay ng mga tao sa labas.. Nagsisigawan at nagtatawanan na ang mga tao kasi lalabas na sa Kalai ang unang batch na rarampa with their costumes... 7am kasi ang unang sked ng klase sa UP kaya ganun... Di lang pala ako ang maagang nagising kasi paglabas ko sa room, parang nasa labas na ng corridor ang mga floormates ko.. Maagang nabuhay ang Kalai ngayong araw na ito.. Hehe...

Pero ang hinihintay ng lahat eh ang mga lalabas ng 8:30am... Yun kasi ang oras kung saan karamihan sa mga taga-Kalai eh pupunta na sa klase, at kadalasan sa mga yun eh papunta pa ng Math Building... Isa ako sa mga mapalad na nilalang na yun.. GRABE TALAGA!! All sorts of styles, designs, concepts at kagagguhan makikita mo! May taong suot-suot ang bandila ng Pilipinas (room mate ko yun!), nandiyan si Spongebob (as in Spongebob talaga!), si Pochahontas (si Ruth naman yun), runaway bride (Kikay) at nag-scarecrow (si Sigfred)! May nag beauty queen rin (Trisha at China), nag Lara Croft: Tomb Raider (Aie), si Goku (Alkaid), nag- Angel at Devil (ang mag room mate na sina Rom at Jumar), si Sailormoon (Nicola) at marami pang iba... Uso sa mga kalalakihan (bading man o lalaki talaga) ang mag-cross dress.. Crossdress ba kamo? Yun nagdadamit babae sila... hehe.. Hardcore pa din naman sila kung maka-crossdress... Micro mini skirt, at tube with matching heels pa! Samahan mo pa ng mga dangling earrings at mga head dress! Naku, nagmistulang fashion show ng mga sexying KABAYO ang Kalai!!.. hehe.. Meron di naman yung mga lalaking suot lang eh boxer shorts papunta ng klase, mga sports junkies at anime freaks!.. Sa mga kababaihan naman eh talagang di mawawala ang mga fairies with their ever-so-pretty-and-colorful wings and wands, mga naka-girl scout, mga nagdamit-lalaki at mga babaeng suot ang dating high school uniform (isama mo sa grupong yan si Davie na suot ang Pisay uniform..)! Hehe... Nakakatuwa yung nagdamit ng lady guard (si Nina) na hiniram niya pa kay Ate Edith (yung totoong lady guard ng Kalai)... Nandiyan rin ang mga katulong na totoong pagsisilbihan ka! hehe... Sa mga maliliit at cute, ano pa ba ang pwede nilang gawin kung hindi ang mag damit bata! Ang cute-cute talaga nila Mark O., Ann-Ann at Val! hehe...


Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting


Grabe marami pa akong gustong ilarawan na mga taong tunay namang nakakatuwa ang suot sa araw na ito.. Konti pa lang ang mga nabanggit ko sa lahat ng nakita ko... Ngayon nga eh bibigyan ng award ang mga taong pinaghirapan talagang gawin ang kanilang mga costumes... hehe... Kung gusto niyong malaman ang suot ng mga taong hindi ko pa nabanggit, heto ang ilan sa kanila:

>Pearl = swimmer with matching salbabida
>Dareen = daster na pangtulog
>Jobo = magsasaka effect with matching barefoot kung naglalakad
>Andy = naka bath robe
>Hadee = rebelde na may kasama pang armalite
>Jacques = Hapon na pula ang mukha
>Maynard = militar
>Ako = nitibong laking-Maynila
>Renel = Zorro with the cape, mask and sword
>Lloyd = silver robes at mukhang puti (scary!)
>Luis = baliktad ang pagkasuot ng damit (brief sa labas!)
>Cecile = cross dress (super TIBO ang dating!)
>Mara = batang nabuntis at iniwan ng asawa
>Sara = sosyal na taong grasa (super gusgusin talaga pero naka-shades at I-Pod, asteeg!)
>Carl = ready-to-sleep (with matching kumot at unan)

at sa iba na hindi ko nabanggit, either hindi ko sila nakita o nakalimutan ko lang talaga... hehe... Pero susubukan kong tandaan yung suot ng iba...

sa mga Kalai friends naman:

>Ace = ewan, indescribable! (salakot na may shells with magic staff)
>Jom = sexying bading (super miniskirt)
>Ken = Dark magician
>Rovie = Harry Potter
>Jordan = 70's effect (bootleg pants na fitting, haha!)
>Micmic = psycho lab technician
>Klarbz = green fairy (Fauna)
>Tine = pink fairy (Flora)
>Ayne = taong grasa
>Fhamaye = damit bata
> and a lot more!!

Hehe, isa talagang di malilimutang experience ang Wacky Day... Haha... Uy, bisitahin niyo naman kami bukas sa Open House ng Kalai.. Punta ka ha!!! Sige guys, next time ulit!



I made my mark @ 7:33:00 PM

9Thursday, February 15, 2007


share ko lang itong nakakatuwang something na ito... hehe




funny di ba? nakakainis... hehe..
>>>

kakatapos ko lng gumawa ng English 12 midterm paper... nakakapagod.. hehe...



I made my mark @ 5:13:00 PM

9Wednesday, February 14, 2007


I Feel Tired & Exhausted

Today is one heck of a day!
Round 1:
Kaninang madaling araw eh todo ang pag-aaral ko sa physics.. Gusto ko sanang magpahinga sandali kaya pinikit ko ang aking mga mata.. Pagmulat ko ulit ng mata ko, sumambulat sa akin ang maliwanag na sinag ng araw.. UMAGA NA PALA! Shucks! Alas siyete ng umagang yun ang exam ko.. At hulaan niyo kung anong oras ako gumising... 6:53 am! Kung kayo ang nasa sitwasyon na yun, ano kaya gagawin niyo? Siyempre dahil sa nagmamadali na talaga ako, ginamit ko na naman ang toothbrush-wisikwisik-punas method... Naku naman, 2nd time ko na itong pumunta sa physics exam na walang ligo! Lagi kasing 7:00 am yung time eh... At di diyan nagtatapos ang mga naging problema ko... Ang exam ay magaganap sa bagong National Institute of Physics (NIP) building... at ang NIP ay 6,000 tumblings away from Kalai... Sobrang late ko na nun kung lalakarin ko pa... Kaya naisipang kong mag-jeep na lng papunta doon, to be more specific, the Katipunan jeep... Pero heto pa ang isang problema, after 48 yrs eh wala paring nagpapakita na Katips jeep... Hainaku, naisipan ko tuloy kung isa ba ito sa mga punishments sa akin ni Lord... After another 48 yrs, sa wakas nakita ko na rin from afar ang outline ng jeep na may pulang bubong... Katips jeep na nga!! hehe.. i feel so relieved kasi hindi ako masyadong late nun...

Dumating ako sa NIP at hinanap ko pa kung saang room ako mag-eexam... To Be Announced lng daw kasi ang room assignments sabi ng prof namin pero hindi niya naman na-announce ever... (trivia po: bisaya rin yung prof namin sa physics kaya masaya.. taga-Iligan siya..) Nakita ko rin naman ang room ko and i didn't even break a sweat... hehe... Yun, naupo na ako sa seat ko and moments later dumating na si ma'am carrying all the physics exam booklets habang naka-smile... Oh di ba? Naka-smile siya!.. Kinabahan tuloy ako sa smile na yun ni ma'am.. Parang and dating ng smile niya eh mahirap ang exam namin... huhu... Nilagay na niya sa armchair ko ang test booklet and then...: "Start answering your exam"..

Waaaa!! Mahirap ang exam... Indescribable ang feeling!.. As if I'm soaring, tumbling, believing na hindi ako papasa dun!.. Diduanda physics (3rd yr pisay physics) kasi ang lessons sa exam... Wala kasi ako masyadong natutunan sa physics noong 3rd yr kasi parang joke-joke lng ang mga class discussions... Pati quizzes nga noon eh sisiw lang... Natatandaan ko nga yung question niya sa isang quiz: Give ten sports that exhibit projectile motion... Tapos may sumagaot ng CHESS! May projectile ba doon?! hehe... Anyways, my point is mahirap yung 2nd long exam namin sa physics 71.. Ewan ko lang sa iba, pero ako nahirapan talaga... Hainaku, I hope I get a decent score sa exam... Yung hindi naman masyadong ikakahiya...

Round 2:
Nitong araw din na ito eh kailangan kong umalis papuntang OWWA para asikasuhin ang scholarship ko... Magiging adventure na naman ito kasi nasa Pasay City ang NCR office ng OWWA.. PASAY CITY!! Nasa other end of the world kaya yun.. Isa na namang matagal na proseso ng pagsakay ang magaganap ngayon...

Pagdating na pagdating ko sa Kalai eh naligo agad ako.. Siyempre kailangan konh i-wash off ang sama ng loob ko na dulot ng nangyaring physics exam.. Magtatanghali na ng umalis ako ng Kalai.. Sumakay ako ng Pantranco jeep, EEEEM AAAAR TEEEE (denoting a very long MRT ride kasi sa dulong estasyon pa ako bababa..), MOA jeep, then Harrison jeep papunta ng OWWA... Sa kabuoan ng biyaheng yun, antok na antok ako dahil sa pagpupuyat na ginawa ko nung madaling araw na wala rin naman palang kwenta! Dumating ako ng OWWA at nag lu-lunch break pa sila.. Hinintay ko pa ang 1pm bago masimulan ang aking business with the OWWA pips.. hehe.. Business-business-business, scholarship-scholarship-scholarship... Maraming usapan ang naganap until finally I recieved not ONE, not TWO, but THREE, I repeat, THREE cheque na may malalaking halaga!.. (oops, wala munang balato kasi ibibigay ko muna yun sa mama/nanay ko lahat.. hehe..).. I'm so happy! Medyo nakalimutan ko yung physics sandali pero bumalik rin... hehe.. Wala lang... Masarap pala ang feeling ng makahawak ka ng mga cheque, noh?.. Dineposit ko rin naman agad kasi mahirap na kung mawala ko pa yun...

What a day it has been for me... Nakakapagod, nakaka-stress, nakaka-disappoint... Maraming nangyari sa araw na ito... Oh well, nangyari na nga siya so hayaan na lang natin ang mga yun... For now, mag-eenjoy muna ako kasi katatapos lang ng physics exam.. Isang araw lang panahon kong mag-enjoy kasi sa sabado eh may chem 16 2nd long na naman.. Hainaku, the exams don't end with physics... Marami pang exams ang mangyayari at lahat ng yun ay kakayanin ko! Basta ba't pagkatapos ng every exam eh magkakaroon din ako ng cheque... hehe... Next time ulit guys!...

>>>

HAPPY VALENTINES DAY, GUYS!!!
I Hope you enjoy spending this day with
your loved ones!Ü




I made my mark @ 4:15:00 PM

LOST IDENTITY

-=|MiGoLiToX|=-

I stand in between both solstice; slashed, tortured,LOST

:migz:-:ege:-:miguel:-:migol:-:gabz:
:migolito:-:gabriel:-:dona pilar univ:
:phil. science high school - smc:-:^_^:
:university of the phils.- diliman:
:iLLumina '06:-:09-16-89:-:bisaya:
:wilfredo loves necitas:-:davao city:
:becky's bulbits:-:gabby's zholohlohtz:
:dancer:-:choreographer:-:active:
:most handsome guy in oasioas:
:joker:-:tall, DARK and handsome:
:nail clutcher:-:neem seeds collector:
:sym's:-:pasaway:-:hanging-out:
:watching movies:-:smiling:-:cute:
:picture-picture:-:cam whore:
:maingay:-:sociable:-:friendly:
:foodchem pip:-:food guru:-:17 y/o:
:college student:-:bs materials eng'g:
:UP stud# '06-57757:-:veggie hater:
:diliman, qc:-:compulsive buyer:
:how to save a life:-:non-reader:
:frustrated swimmer:-:secretive:
:sensitive:-:single:-:out of love:
:street-dancer-wannabe:-:internet:
:texting:-:grey's anatomy:-:TV:
:IKOT:-:TOKI:-:SM North:-:Philcoa:
:Pantranco:-:MRT:-:OWWA Scholar:
:VOLLEYBALL player:-:badminton:
:Kalayaan Dormer:-:Kalai Volley team:
:competitive:-:grade conscious:
:intelligently stupid:-:DDR fan:
:movie addict:-:music lover:-:?:
:walang bisyo:-:approachable:
:fashionista kuno:-:moody:-:shy:
:internal conflict:-:bottomless
stomach:-:fat *ss:-:dreamer:-:rebel:
:blog newbie:-:the whole world:-:you:
:myself:-:..ME..:



LIKES

^_^

HATES

^_^

SCREAM!..



Those I Jailed

::-adonis::-
::-alec::-
::-archie::-
::-ayesha::-
::-cecile::-
::-christian::-
::-cj::-
::-crystal::-
::-danica::-
::-davie::-
::-edward::-
::-hubert::-
::-jacques::-
::-kamille d.::-
::-kathleen::-
::-kbo::-
::-kit::-
::-leonil::-
::-lloyd::-
::-luis::-
::-mara::-
::-mark::-
::-reysa::-
::-sara::-
::-sharon::-
::-teetin::-
::-toni::-
::-wildboyz::-




My Hidden Past

  • January 2006
  • February 2006
  • April 2006
  • February 2007
  • March 2007



  • CREDITS

    Design (Brushing, Layout, Coding)
    -=|Solistice|=-
    Images (From Google & Yahoo)
    This and That
    Also Thanks (Some Reference)
    #10 } untitledBEAUTY | V2 ` -Chronicles(:
    Also Thanks (Inspiration)
    The Great Tommy